top of page

Para-Normal Activity

by Rex Jason Delgado

Alas-sinko imedya na nang umaga,

Humihilik ka pa

Ilang snooze pa yan ng alarm mo,

Malalate ka na!

 

Dati naliligo ka,

ngayon, hindi na.

 

Ano ba tayo dati nang hindi pa ito nagsisimula

Mas mahirap ba? o mas nakakatuwa?

 

Ikaw, ako, yung supervisor at manager mo.

Mahirap ka man o mayaman, walang pinipili ang sakit na toh.

 

Dati rati ay nagrereklamo ka sa init after ng office

Pero ngayon, magrereklamo ka pa ba sa tinitirahan mo sa init ng summer solstice?

 

Ang pasensya mo noon ay nauubos sa bagal ng takbo ng jeep.

Pero ngayon, sa bagal minsan ng internet ang hirap, kahit nga lang magclick.

 

Cge lang tiis tiis lang muna kahit sa ulam.

Ligo, ligo lang muna. Lilipas din yan.

Kung naiinip ka dati sa pantry na paulit-ulit lang.

Ngayon atleast, you can cook, whatever you want.

 

Mabuti na nga lang may work-from-home initiative

I can finally work on the hobbies that I want would you believe?

 

Walang hassle kahit madami ang deadline,

Dahil anytime accessible ang PDFs, pwedeng magcombine.

 

Dati rati sumasakit pa ang ulo mo sa kaka pili ng dress.

Ngayon kahit mag meeting naka sando, sleeveless, bra-less, ang labahin less!

 

Eto na ngayon ang normal

Mejo magigising pa din nang umaga,

Pero atleast hnd ka naglologin na humingingal.

 

At Higit sa lahat,

May trabaho tayo, kapiling naten ang pamilya at safe tayo sa panahong ito.

 

Oh, ano pa?

 

Pwede ka nang maligo!

bottom of page